Ang pagpapa-enrol ng mga mag – aaral ay simula June 1, 2020 hanggang June 30, 2020
2. Saan mag papaenrol ang mga mag-aaral?
May online enrolment simula June 1,2020. Para sa mga walang gadgets ang kanilang magulang ay kukuha ng enrolment form sa kanilang barangay o sa mga paaralan na malapit sa kanila mula sa ikatlong lingo ng Hunyo.
3. Paano mag enrol online?
Pumunta sa link na ito: deped.in/PQUELESF at pumili ng school na inyong papasukan. Sagutan ang lahat ng katanungan sa Learner Enrolment Survey Form.
4. Paano ko malalaman na ang aking anak ay nakapasa nuong nakaraang taon?
Ang huling adviser ng inyong anak ang magbibigay sa inyo ng impormasyon kung siya ay nakapasa. Maaari nya kayong padalhan ng soft copy ng report card ng inyong anak. Bibigyan nya rin kayo ng mga kaalaman kung paano mag – enrol online o saan makakakuha ng Learner Enrolment Survey Form at kung saan ito dadalhin.
5. Marami akong katanungan para sa pag aaral ng aking anak, saan ako pupunta para matugunan ang aking problema?
Tawagan ang alinman sa DepEd personnel na nasa information and action center hotlines ng DepEd Paranaque City na nakapaskil sa lahat ng Barangay at paaralan ng Paranaque
6. Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pag-aaral mayroon ang DepEd Paranaque sa ngayon?
Sa ngayon ang DepEd Paranque ay gagamit ng distance learning through modular instruction. Ang mga paaralan ay hindi pa lubusang handa sa online learning. Gagamitin lang ang blended learning pag pinayagan na ng pamahalaan ang pagpunta ng mag – aaral sa paaralan. NO FACE TO FACE LEARNING
7. Pwede bang ipagpaliban ang klase ngayong taon hanggang walang vaccine sa Covid?
Hindi po ipagpapaliban ang klase ngayong SY 2020-2021, sa katunayan nakatakda na ang pagbubukas ng klases sa August 24, 2020 (nanailipat ng October 5, 2020). Huwag pong mag alala ang mga magulang dahil hindi papasok sa paaralan ang mga bata hanggat may panganib na dulot ng COVID 19.
8. Kung walang gadgets at internet ang mga bata kailangan bang pumasok sa paaralan?
Hindi po nakasalalay sa gadget at internet ang pag aaral ng mga bata dahil may iba’t ibang modality ng pag – aaral ang gagamitin sa kanila. Ito ay Distance Leaning na gamit ay modules. Sa bahay mag aaral ang mga bata kaagapay ang kanilang mga magulang at kapamilya.
9. Papaano kami makakakuha ng mga modules para sa Distance leaning ng aming anak?
Sa pakikipag tulungan ng inyong barangay sa mga paaralan sila na mismo ang magdadala ng mga modules sainyong mga bahay. Sa mga mag aaral na hindi nakatira sa Paranaque ang kanilang magulang ang kukuha ng modules sa paaralan.
10. Saan dadalhin ang mga modules na nasagutan na?
Sa pakikipagtulungan ng inyong barangay sa mga paaralan sila ang kukuha ng mga modules na nasagutan na at magbibigay ng panibagong modules. May itatakdang araw ng pagbalik at pagkuha ng panibagong modules ang paaralan. Sa mga mag aaral na hindi nakatira sa Paranaque, ang magulang ang magbabalik at kukuha ng panibagong modules.